Pagtatalo Tungkol sa Trabaho Lumala Doon sa Strip

Para sa Agarang  Pagpapa-labas: 2013/03/18
Kontak sa Media: Yvanna Cancela, 702-524-8384, ycancela@culinaryunion226.org

Las Vegas, NV – Ang mga manggagawa sa Kasino ng Cosmopolitan ay patuloy na nakikipag-usap  tungkol sa kontrata sa may-ari, ang Deutsche Bank, sa mahigit na dalawang taon.  Ang magkabila’ng parte ay hindi nagkasundo sa mga pangunahing isyu na sentro ng mga kontrata sa iba pang mga pangunahing kasino sa Strip.  Bilang resulta, ang mga manggagawa ay magdadala sa mga lansangan ng isang sibil na pagsuway.  Ang may katiyakan, ang mga manggagawa ay sasali sa mga hindi-marahas na pagkilos sa pamamagitan ng pagharang sa mga daanan ng trapiko sa Strip ng Las Vegas. Ito ang unang pagkakataon sa mahigit na 20 taon na ang mga miyembro ng unyon ay magsasagawa ng isang protesta sa labas ng kasino’ng may unyon.

Ang mga kontrata para sa mga nagtatrabaho sa Strip at downtown ay magtatapos sa Hunyo 1, 2013.  Ang mga miyembro ng unyon mula sa buo’ng Las Vegas ay sasali sa demonstrasyon sa linggong ito.  Dahil dito, ang mga pagkaantala para sa mahusay na mga kontrata sa Cosmopolitan ay nagbibigay panganib sa pamantayan ng pamumuhay na naitatag sa mga lumipas na dekada dahil sa pag-aayos ng mga manggagawa. Ang mga negosasyon sa Caesars Entertainment at MGM ay magsisimula sa Abril 7, 2013.

Si Ron Gladstone, isang 20 taon na miyembro ng unyon na nagtatrabaho bilang isang tagaluto sa The D Las Vegas, ay sasali sa aksyon sa linggo’ng ito. Ang sabi niya, "Ito ay mahalaga hindi lamang para sa mga manggagawa sa Cosmo, ngunit lalo na sa lahat ng mga manggagawa sa Las Vegas.  Gagawin namin ang ano mang kailanga’nggawin upang matiyak na ang Las Vegas ay manatili’ng isang bayan kung saan ang mga tao ay may pagkakataon na magbigay kabuhayan para sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng mahusay na mga trabaho sa unyon. "

Ang mga miyembro ng unyon ng Culinary 226 at Bartenders 165 ay sasamahan ng mga pastor at mga lider ng UNITE HERE mula sa buong bansa. Inilarawan ni Grisell Margarino, isang tagapangalaga ng bahay sa Mandalay Bay  kung ano ang nadama niya nang siya ay sumali sa sibil na pagsuway, "hindi pa ako nakagawa ng isang bagay na tulad nito, ngunit nakahanda ako."  Siya ay isa sa mahigit 100 mga miyembro ng unyon na maaari’ng maaresto upang ipakita ang pagkaka-isa ng mga manggagawa sa Cosmopolitan. "Ang Las Vegas ay isang unyo’ng bayan, at ang mga manggagawa ay hindi uurong," sinabi Margarino.

Ang aksyon sa Strip ay magaganap sa Miyerkules, Marso 20, mula 5-7 ng. Ang mga Tagapag-salita at  mga pastor ay maaaring makapanayam.

# # #

Ang Culinary 226 at Bartenders 165 ay kumakatawan mahigit na 55,000 manggagawa sa industriya ng mabuting pakikitungo, kabilang ang mga hotel, mga kasino, mga paliparan, mga serbisyo sa pagkain, mga restawran at mga serbisyo sa paglalaba sa Las Vegas.  Noong 1984, ang pagtanggi ng mga Kasino na makipag-kasundo para sa mas maayos na sakop ng seguro para sa kalusugan ay humantong sa isang welga ng 10,000 mga manggagawa ng unyon sa buong syudad.  Bagaman at ang Unyon ang nakapangyari sa welga at nanalo ng mas mahusay na sakop pang kalusugan (ang Plano’ng Pang-kalusugan ng Culinary na mayroon ang mga miyembro ng union sa ngayon) ito ay naging tawag pang-gising para sa mga miyembro ng Lokal 226 and 165.  Mula ng magbukas ang Mirage noong 1989 (ang unang '"Pinaka-malaki’ng bakasyunan" sa Las Vegas) ang Culinary 226 ay bumuo ng higit sa 40,000 bagong manggagawa.  Ang mga taon ng 1990 ay mga panahon din ng magulo’ng mga welga habang ang mga manggagawa sa Kasino ng Horsehoe at Frontier ay makamit ang tagumpay upang pangalagaan ang pamantayan ng pamumuhay ng Unyon.  Ang Welga sa Frontier ay isa sa pinakamahaba sa kasaysayan ng E.U. – tumagal ng mahigit sa anim na taon.  Ang lahat ng mga 550 welgista ay matagumpay na bumalik sa trabaho noong 1998 na may kataasan ang tungkulin sa trabaho at binigyan din ng mga kredito sa serbisyo para sa pensiyon.  Sa kasalukuyan, ang mga unyon ay tumutulong upang  matiyak na ang mga trabaho sa sektor ng serbisyo sa Vegas ay ilan sa mga pinakamahusay sa bansa.

More Mga Balita

MAYROON PA SA BAHAGING ITO