Para sa Agarang Pagpapa-labas
Mayo 20, 2013
Yvanna Cancela
702-524-8384
Ngayon, halos 9,000 miyembro ng Unyon ng Culinary Lokal 226 ang nagsama-sama sa Cashman Field para sa isang pag-boto sa pag-tataas ng butaw kung sakali’ng magkaroon ng welga. Ang mga miyembro ay sobra-sobra’ng bumoto bilang suporta sa pag-tataas ng butaw, na 92% ng mga miyembro ay bumoto ng oo.
"Ang resulta ng boto ngayong gabi ay nagpapakita na nauunawaan ng mga miyembro kung gaano kahalaga ang mga kontrata ng unyon sa lahat ng mga pamilya sa Las Vegas," ang sabi ni Gloria Delgado, isang tagapangalaga ng bahay sa Rio. Nagpatuloy pa siya sa pagpapaliwanag, "ako ay bumoto ng oo upang matiyak na mapoprotektahan natin ang pagkakataon na magbigay para sa ating mga pamilya."
Ang boto ay magpapahintulot na taasan ng $25 ang buwanang butaw sa unyon kung sakali’ng magkaroon ng isang welga. Ganoon pa man, kung ang mga miyembro ay lalakad sa linya ng piket ng apat na oras sa loob ng isang buwan, ang pera ay isasauli sa kanila. Inaprubahan din ng mga miyembro ang permanenteng $4 na pagtaas ng butaw sa 2014 at muli sa 2015. Ang permanenteng mga pagtaas, higit sa lahat, ay upang suportahan ang mga bagong pag-oorganisa. Ito ang unang pagkakataon mula noong 2006 na ang mga ganitong pagboto ay naisagawa.
More Mga Balita
Mga Kontrata ng Unyon Natapos na sa Las Vegas
Maaapektuhan ang mga Manggagawa at Tagapamahala
Las Vegas: Mga Manggagawa ng Unyon sa Kasino inilunsad ang Website Upang Baguhin ang Balita sa mga Ugnayan sa Pag-gawa sa Industriya ng Paglalakbay sa Las Vegas
Bumoto ang mga Miyembro ng Unyon Upang Protektohan ang Kanilang Kinabukasan
Libo Ang Bumoto Upang Suportahan Ang Pagtaas Ng Butaw
Pagtatalo Tungkol sa Trabaho Lumala Doon sa Strip
Mga Manggagawa, Nag-Plano Ng Unang Pagsuway Sibil Sa Las Vegas Blvd. Sa Mahigit Na 20 Taon